Feel free to submit photos/videos/ideas/stories and comments..Welcome to the BAYOLENTES.

BAYOLENS IS BEAUTY

Warning: Serious people not allowed. We do Satire and Stuff. ^^

Sunday, March 28, 2010

Wag na wag kang magsusungit sa mga waiter.

Medyo antok na ako pero gusto ko muna to ipost bago matulog para di ko makalimutan.

may nangyari kase nung isang araw sa may bar malapit sa cubao binugbog at hinubaran ng mga lasing ang isang costumer matapos nitong batukan yung waiter.
ang tagal daw ng order nya at inuuna nya pa yung mga lasing, medyo show off ung lalake kase may kasama na chicks tska mukhang mayaman. Pero di umubra ang angas nung binatukan nya yung waiter eh nakita ng mga nasa kabilang table, ayun bugbog sarado hinubaran pa at tinapon sa EDSA.

Bat nga ba pag nasa lugar tayo na may mga waiter, tindera, sales clerk,driver etc. we feel superior, para bang napaka yabang na kung mag utos at kung mag reklamo.
Sa tingin ko talga kahit na gaano pa kababa ang klase ng trabaho ng isang tao ay dapat parin natin silang respetuhin. Marangal naman ang ginagawa nila. Bat mo susungitan ang waiter kung namali ang binigay nyang order? Bat parang bossing ka na kung umasta kung batiin ka lang ng gudmorning ng gwardya. Oo nga costumer ka, and costumer is always shit este right, pero di ibig sabihin nun eh yung serbisyo na binibigay ng tao sa trabaho isasama mo pati ang dangal at puri nila. Mahiya ka naman...

kaya sa susunod na oorder ka sa isang waiter, bibili sa isang tindera, oh kahit magtatanong lang sa isang sales lady, dapat may pag galang at sa maayos na paraan para everybody happy.

Digs?

3 comments:

  1. Hehe dapat lang ya sa mga mayayabang na gaya nya! Pano as in hubad talaga?

    ReplyDelete
  2. ako rin tinuruan ako ng lola ko (miss you la) na igalang daw kahit janitor pa yan, marangal at desente ang trabaho nila. dapat pa nga sila igalang kesa sa mga namumuno sa ating bansa.


    Ken

    ReplyDelete
  3. buti nga yun lang ginawa sa kanya. tinira nalang sana yun....tinira sa pwet.haha

    ReplyDelete