if you think you just had the worst day ever think again..
matapos magising ka na iniihian ng aso mo.. eh sumambulat naman sayo ang mga boardmate mong nag iinuman sa sala alas 7 ng umaga. Naligo ka at inalis ang panghe sa iyong katawan, kumuha ng kape kaso malamig na tubig ang nabuhos mo sa baso.
Umalis ka ng bahay naiwan mo ang susi ng kwarto. Sumakay ka sa MRT,siksikan ang tao, nakatabi ka sa isang manong na amoy suka na parang isang linggong hindi naligo. Dumating ka ng late sa school, nakalimutan mo pang gumawa ng assignment. Dumaan sa lobby ang crush mo na tyempong nangungulangot ka.(-999 pogi points) Pag uwi mo sa bahay, tulog lahat ng lasing. Di mo magising ang may hawak ng duplicate key ng kwarto mo kaya sa sala ka nalang rin nagpalipas ng gabi. Pagod.Gutom at Bad trip..
storya ng bad trip na araw ni Michole Fajardo.
Saturday, April 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
parang tula ah.hehehe nice 1.
ReplyDelete-dexter the lover