Kim Jhung-Il
- Pinuno ng komunistang bansa na North Korea.
- Takot ang Amerika, Russia at China sa kanya dahil sa lakas ng kanyang militar at Nuclear Weapons na hawak.
- Malufet na hairstyle, parang bagong gising palagi.
- Alam nyo ba sa kabila ng kanyang nakakasindak ng reputasyon ay takot si Mang Kim na sumakay ng eroplano? ......yep....nagtetren lang po siya mga kaibigan pag may pinupuntahang lugar sa loob ng kanyang bansa.
Osama Bin Laden
- Terorista.
- Naghasik ng lagim sa Amerika. Pinatumba ang World Trade Center. (galit siguro sa USA kase na deny yung visa application nya) ^^
- Nagpalabas ng anthrax.
- Pinapaniwalaang may 3 clone siya na nakakalat sa paligid upang lituhin ang CIA at INTERPOL. Ang isa daw ay nasa training field, ang isa naman ay ang humaharap sa media yung napapanood nyo sa TV. At yung isa naman eh nasa Pilipinas nakasakay ng motor, nagpapautang.

John Dillinger
- Most Dangerous Criminal ng FBI sa kapanahunan nya.
- Na holdap ang halos lahat ng bangko na mapagtripan nakawan ni idol.
- Nahuli pero nakatakas sa kulungan gamit lang ang isang kapirasong kahoy.
- Matinik sa chicks, dahilan din para sa kanyang kamatayan.

Andal Ampatuan Jr. aka "MARAMI"
- maraming asawa
- maramihan kung pumatay
- maraming kamag-anak ang nasa politika
- maraming armas at private army
- maraming butas ang mukha daig pa si Jose ng Eat Bulaga.

Heath Ledger aka Joker
- Bayolenteng villain
- Nakangiti parin kahit na binubugbog na siya ni Dark Knight.
- Aphatetic ang mukha kung pumatay ng tao.
- Binawian agad ng buhay si idol pagkatapos gampanan ang role na Joker.
- Nagpakalat ng kabadingan. (Brokeback Mountain)

Jason Aguilar Ivler
- Pamangkin ni Anak legend Freddie.
- Trip nya ang mga opisyal ng Malacanang.
- Adik sa Counter Strike at Special Force nakikipagbarilan sa FBI at Pulis.
- Wag na wag mong makakasalubong o makakasabay sa trapik.
- Mahal na mahal na mahal na mahal ng mama nya.....

Gloria Macapagal-Arroyo
- Power tripper
- Pagkatapos ng Presidente, Congresswoman naman ang tatakbuhan nya ngaung eleksyon. Exuberant.
- May anak at asawang uhaw sa pera at kapangyarihan.
- Pwede gawing hero sa DOTA. skill nya palubugin ang Pilipinas sa Utang at kahirapan.
*salamat sa ideas at suggestion ni Bayolenteng Angel,Marky,Poy at mga dota players ng Green Avenue.
No comments:
Post a Comment