Feel free to submit photos/videos/ideas/stories and comments..Welcome to the BAYOLENTES.

BAYOLENS IS BEAUTY

Warning: Serious people not allowed. We do Satire and Stuff. ^^

Tuesday, March 9, 2010

Signos.....seryosong usapan muna.

Sa pagbukas mo ng telebisyon at panonoorin mga ang balita eh masasabi mong palala ng palala na ang kalagayan ng mundo..krimen,oil price hike,mga politikong nagiging showbiz na ang buhay sa sobrang dami ng balita tungkol sa kanila, mga skandalo, korapsyon, mga sakit, at trahedya.

Noong nakaraang taon eh ginimbal tayo sa lakas ng hagupit ni Ondoy at mga sumunod pang bagyo..baha ang iniwan at mga nasawing mga buhay, nawalang ari-arian at kabuhayan.


Di pa tumatagal ay may sumunod nanamang kalamidad, nakaroon ng malakas na lindol sa Haiti..halos nasira ang kabuuan maliit na bansa, libu-libo din ang nasawi.




Sa Amerika, nakaranas ang mga kano ng bagyong nyebe(snow), abot tuhod, paralisado ang mga primary states ng U.S. tulad ng Washington at New York.




Matapos tayong bahain,lindolin,at budburan ng nyebe eh sinasalanta naman tayo ngaun ni paren El Nino. Natutuyo na ang mga dam at nasira narin ang palayan ng mga magsasaka.




Di natin matatanggi na talgang naiiba na ang pagbabago ng mundo. pasama ng pasama. sigurp petiks lang ang iba sa atin jan kase napakasarap ng buhay nila. may dapat ba silang ipag alala? oo.....meron.

signs ba to na malapit na ang wakas ng sangkatauhan? dapat siguro simulan na natin ang pagbabagong buhay at isipin ang makabuluhang bagay na long term at makakatulong sa ating hinaharap.

No comments:

Post a Comment